top of page
Search

Bakit Tayo Nasasaktan

  • Writer: maoydialogues
    maoydialogues
  • Nov 20, 2019
  • 2 min read


ree
Bakit nga ba? Dahil sa pagmahahal? o dahil tayo'y tanga? Bakit nga ba tayo nahihirapan? Dahil ba tayo'y masyadong mapagbigay? o dahil tayo'y may pinaglalaban?

Minsan ang dahilan ay di lang pagmamahal, minsan tayo mismo - mga desisyon na sablay at pasaning nakasandal Masakit pero kailangan amining tayo rin ang nagiging dahilan, mga bagay na pinipilit kahit di naman kailangan Pinipilit dahil kailangang ipaglaban, ipaglaban ang natiitrang karangalan Karangalan na minsan ng nasira dahil sa maling akala, maling akala na sumubok sa katatagan ng puso at diwa


Kapag nagsalita ka, kailangan mong isipin kung nararapat ba Kasi sa bawat bigkas ng bibig mo, maraming mga mapanghusgang tenga ang nakikinig dito Mapanghusga, marami sila; Mapanghusga, minsan tayo, minsan sila At dahil sa mga mapanghusgang kapaligiran, tayo'y napi-pipi,tayo'y napipilayan


Nasa luha ang lahat ng salitang di natin mabitawan, sa mga tingin at imik na sapilitan "Bakit kaya ganun?", iniisip araw at gabi, malas kaya, ano ang mali? Ah, mali pala ako ng napagsabihan, mali ako ng napagkatiwalaan


Kaya tayo nasasaktan kasi, dinadala natin ang sakit ng ating mga kamalian Ayaw naman natin bitawan dahil wala tayong mapagsabihan Kung meron man, di rin naman maiintindihan Nakikinig nga ang mga mata, pero sa isipan, tapos na itong humusga


Di mapigilan na tayo'y husgahan ng iba, di natin mapipilit kung ano ang iisipin nila Bahala na sila sa kung anong iisipin nila, di natin kontrolado ang mundo na meron sila Ibulong nalang sa hangin, o di kaya'y isigaw sa bangin Itapon ss dagat, o kaya'y paliparin sa hangin at kawanangan Ang lahat ng hinanakit, bakasakali'y mawala ng tuluyan



Balang araw, matatapos din ang sakit, balang araw makakaya rin natin ang pait Ganun talaga ang buhay kailangang lumaban mag-isa, kasi kung hindi, sino pa ba?
 
 
 

Comments


Subscribe Form

Thanks for submitting!

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2019 by Maoy Dialogues. Proudly created with Wix.com

bottom of page