Sabay Ng Panlalamig Ng Hangin
- maoydialogues
- Dec 3, 2019
- 1 min read

Kasabay ng panlalamig ng hangin ay ang pagkatigang ng dating ilog natin Ilog na kay sarap balik-balikan na para bang sa bawat tagpo ay tulad nung una'ng nasilayan Nakakapanghinayang. Nakakalungkot. Nakakamiss. Nakakabagot. Kasi ganoon tayo. Ganoon tayo dati - ang dating tayo. Dating ikaw at ako.
Kasabay ng pagkalagas ng mga dahon ay ang unti-unting panlalambot at panlalamig Mga damdaming tila nakalimot sa bawat pintig at kabig Kasabay ng mga pusong pinaglayo ng distansya Ay siya ring paglalaho ng pagmamahal sa isa't isa
Gano'n ba talaga? Kapag nagkakalayo, ang isang panig ay naglalaho?
Comments