top of page
Search

Paikot-ikot (Para sa Mga Di Nakapag-moveon)

  • Writer: maoydialogues
    maoydialogues
  • Feb 18, 2020
  • 2 min read

ree

Nakangiti ka sa malayo, kitang-kita ko ang saya mo Pero napaisip ako bigla, "Sino kaya iniisip niya?" Sana ako pa rin, sana ako nalang ulit Kasi sa tuwing nababasa ko pangalan mo, nagiging tanga ako ng paulit-ulit Nagiging bulag sa mga pasakit na bigay mo Nabibingi at namamanhid sa sugat na dulot mo


Sabi mo, "Ikaw ang aking TOTGA" Nakakatuwa na nakakalungkot na mga letra Kasi ang baliw ko dati sa'yo pero iyong binalewala Ang tanga-tanga ko na kahit na iniwana mo na ako, ikaw pa rin ang nakikita Ikaw pa rin ang nagugunita at ikaw pa rin ang hanap ng bawat gabing mag-isa


Nung nawala ka, halos masira ang buhay sa uhaw na di kayang punan ng iba Di ko namalayang nagiging sakim na ako kakaisip na sana ikaw ang yakap kahit iba ang kasama Nagawa kong magpanggap na mahal sila kahit na kunyari lang upang punan ang puwang na iniwan mo nung ika'y di na dama Niloko ang sariling nakalimutan ka na pero hanap ka pa rin ng aking mata


Ang sugat na dulot mo ang sing lalim ng balon na di kayang abutin ng timba Na habang tumatagal lalong tumataas ang pising hinihila-hila Inabot ng linggo, buwan at taon ang pagluluksa pero ikaw pa rin - nananabik pa rin sa iyong pagbalik Baka sakaling nakapag-isip ka na at di na naguguluhan, Baka sakaling ang makita ako'y meron ka ring pananabik


Lagi kong sinasabing, "Ok na ako" at di na babalik pa Pero habang sinasambit ang pangalan mo, may katagang nakabuntot nagsasabing "Totoo ba talaga?" Iniiyakan bawat gabi, na sana'y makalimutan ka na nga Pero sadyang mapaglaro ang tadhana at makalipas ang anim na taon nagbalik ka


Nananabik na muli kang makita, nananabik na mayakap ka Nananabik sa lahat ng plano nating di nagawa nung tayo pa Nananabik sa iyong pagbabalik - pagbabalik na sana'y di na aalis pa


Ang akala kong bagong simula kay daling nawala Sa isang iglap lang, di ka nagtagal at ikay lumisan nang di naman lang nagpaalam Katulad nung dati mo akong iniwan Puno na ulit ako ng mga tanong - mga tanong na "Bakit - Kailan - Paano" Bakit ka sumuko, Kailan ka babalik ulit, Paano na ako.. Paano na tayo


Wala palang tayo, kay sakit pero ako lang ang nasasaktan Ang dali lang sayo bumalik, at ang dali lang para sa'yo ang paglisan Sinubukan ko nang manahimik at magpakalayo - pero nung bumalik ka nagkakulay ng bigla, buhay sumigla Pero nung unti-unti nang nagkakulay ang ating estorya, umalis na ulit, di na nagpakita


Paulit-ulit nalang ba? Ganto nalang ba talaga? Kung tinapos lang muna natin ang nagdaan bago tayo 'let nagsimula, siguro di hahantung sa ganito Nang-iwan ka ulit nang di ko man lang alam paano - paano ko sasabihin ang mga bagay na dapat malaman mo


Siguro panahon na para tuldukan ang pag-ikot ng estoryang di matapos-tapos Kahit di nagtapos, kailangang itapon Dahil baka muling mabuksan ang libro na kailanman di nagkatotoo Dahil tayo'y mga taong di itinadhana pero pilit pinagtatagpo

 
 
 

Comments


Subscribe Form

Thanks for submitting!

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2019 by Maoy Dialogues. Proudly created with Wix.com

bottom of page