Para Sa Pangarap Kong Dilag
- maoydialogues
- Nov 20, 2019
- 1 min read

Sa iyong ngiti nabuhay ako, binuhay mo ang puso kong tigang na sa mundo Sa iyong tawa, nabighani ako, nasungkit ang pusong uhaw na sa pagmamahal mo Nung nasilayan ka, gabi'y tila umaga sa saya Araw ay di natatapos, pagkat liwanag ang iyong dala Liwanag na sana di na matapos pa, ligayang sana akin ka na.
Sa iyong ngiti, naging makulay ang mundo Mundo na sana ay ikaw nalang at ako Ikaw ang siyang araw, gabi at ang buwan Ikaw ang bituin, ikaw na rin ang tala sa kalawakan Siguro sira na ang aking paningin Sa bawat paglingon ko, nakikita ko'y mukha mo pa rin Sa bawat kilos ko, ikaw ang siyang hantungan Hantungan na kung saan ayaw ko nang bitawan.
Nahawakan kita, nalapitan at nakausap Tumawa, ngumiti at di ko na kaya ang magpanggap Dilag, kung iyong mamarapatin, ako sana ay pagbigyan Pagbigyan mo akong, ikaw ay alagaan, mahalin at iingatan.
Comments