Batang 90's
- maoydialogues
- Nov 20, 2019
- 2 min read
Updated: Dec 3, 2019

Pinanganak sa taong isang libu't siyam na raa't siyamnapu't apat Pero bakit parang wala akong nagawang tama sa mga taong dalawampu't apat Ang sakit-sakit isipiing hanggang ngayon parang di pa rin sapat Ang nadama'y panlulumo, walang saya, di alam ano ginamit kong panukat Di ko matanto ano nga ba ang batayan? Di ko maalalang may naipagmalaki ako nung mga nagdaan Ganito ba talaga? o di kaya'y lahat ba? Ganito rin ba talaga yung mga nakikita kong masaya?
Di na ako masaya, di ko na nakikita ang aking halaga Di ko na damang may silbi pa ang paghinga Kung pwede lang sana makaramdam man lang ng tapik na nagsasabing "Ipinagmamalaki kong nakilala kita." Kung pwede lang sana bumalik sa pinakasimula at hanapin saan ang mali nagsimula
Gumigising na lang dahil kinakailangan di dahil may gustong simulan Nakakatulog nalang di dahil magiging mahimbing ang gabi kundi dahil pagod na ang isipan Nakakangiti di dahil nasisiyahan kundi dahil sadyang kailangan ipakita sa pangkalahatan Yung tipong di ka na magsasalita para matapos na agad ang kung ano mang pinag-uusapan Di dahil mayroong naiintindihan, kundi dahil ayaw mong idagdag pa sa gulo ng isipan
Ako lang ba ang nakakaranas ng pighati sa kabila ng makulay na mundo? Ako lang ba ang umiiyak habang nakahiga tuwing gabi at sinasabing "Bakit. Bakit ganun? Ba't ganito?" Yung tipong gusto mo sumigaw pero ano'ng mapapala? Yung tipong gusto mo maglakbay at iwanan ang mundo pero may mapupuntahan ba? Yung mga tanong na nauuwi lang sa luha Yung mga iyak na nauuwi nalang sa tawa, kasi alam mong wala namang magandang resulta Yung maiisip mong "Ok lang ako. Bukas susubukan ko ulit baka may magbago." Yung ikaw nalang ang tatapik sa balikat mo dahil alam mong walang taong gagawa nito sa'yo
Napapaisip nalang, gaano ba talaga ako katatag at bakit parang ang hirap Bakit ko pinagdadaanan 'to, parang di ko na makapa ang lahat Sabi nila, kapag pinagdadaanan mo, ibig sabihin kaya mo Pero bakit ang bigat, bakit di ko kayang lahat isalo Nagkamali lang siguro ang mundo Baka nagkamali lang ng bigay ng problema 'noh? Kaya bukas, kakayanin natin at ating mapaglalampasan lahat. Bukas, susubukan natin muli, sana mapagtagumpayan natin lahat.
Ako lang ba? Ako lang ba?
Comments