top of page
Search

Gusto Kong Mabingi..

  • Writer: maoydialogues
    maoydialogues
  • Nov 20, 2019
  • 2 min read


ree

Gusto kong mabingi, nang hindi na marinig ang mga paninirang kay sakit Mga salitang tumatagos hanggang buto, pati laman at kaluluwa ay nadudurog ng husto Wala nang mukha, wala nang lakas magpakita Dahil sa bawat salitang binibigkas, maling akala nila'y kayhirap itama


Gusto kong mawala, nang di na makapagsalita Pano bang sa bawat tinig, daig ko pa ang galit at nagmumura Kay hirap makitungo sa mga taong perpekto Yung bawat kilos mo, mali dahil di nila makuha ang mga mungkahing ipinanarating mo Eh pano ba kasi, nakikinig lang naman sila sa kung anong gusto nilang madinig na mga salita


Gusto kong mabulag, nang di na makita ang mga sulyap na kay talim at kay sama Mga pagtinging, tila binabalatan ka na tila ang puri ay nawawala ng bigla Hirap, takot at kaba, "Ano na naman ba ang mali kong nagawa?"

Gusto kong mapipi, nang di na makapagsalita ng kung ano ang nadarama Dahil sa bawat sambit ng nararamdaman, mga mata nila'y "Galit na naman siya." Di ako galit, di ako sumisigaw, dahil kahit pa gamitan ko ng trumpo, di niyo rin naman madidinig ang aking hiyaw


Gusto kong mamanhid, nang di na madama ang sakit na dinadala Mga sakit na dulot ng mga maling panghuhusga Panghuhusga na di ko magawang labanan Dahil kapag nasimulan, ang luha'y kayhirap pigilan

Ang hirap kapag pinipili mong manahimik o lumayo

Gusto mong wag na makialam pero sira ka na sa ibang tao Ikaw ang laging mali, ikaw ang laging may dala ng gulo Pag-uusapan ka kapag wala ka sa grupo Kapag andyan ka, daig pa ang namatayan sa walang kibo Mga plastik, mga pakitang tao

May mga taong panay panira, pinagkakalat kahit di naman totoo

Langyang buhay na 'to, lahat nalang mali Kapag nanahimik, galit na naman ulit o di kaya'y nagtimpi Kapag nagsalita, natural na boses, dinig nila ay sigaw Pipilitin ko pa bang iparating ang nararamdaman? O pipigilan ko nalang ang pagsingaw?


*People judge too quickly. We can't control them, but we can control ourselves. *We tend to leave and avoid the commotion but this will only lead to misjudgements. *People will still judge you no matter what you do, 'coz that's how life is. *Unfair, but there's nothing we can do.

 
 
 

Comments


Subscribe Form

Thanks for submitting!

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2019 by Maoy Dialogues. Proudly created with Wix.com

bottom of page