top of page
Search

Kapag Nakita Kita Ulit

  • Writer: maoydialogues
    maoydialogues
  • Nov 20, 2019
  • 1 min read


ree

Kapag nakita kita ulit, hindi na ako iimik, hindi na ako uulit

Kapag nakita kita ulit, di na kita makikilala, di na kita maalala Hindi na ako iiyak at hindi na ako tutunganga Kapag nakita kita ulit, di na kita kakausapin, di na kita papansinin Para saan pa? Para ang sakit ay maulit pa? Para saan pa? Para ulitin ang pagiging tanga? O para ipaalam sa'yong mahal pa rin kita?


Oo na, tanga na kung tanga pero kapag nakita kita ulit, sana lahat ng nagawa nung unay di na maulit pa Sana yung mga ngiting pinagsuklian ay makalimutan na Na sana ang mga di inaasahang "Kumusta" ay di na mangyayari pa Di sa ayaw na kitang makilala, kundi dahil ang sakit-sakit na Ang sakit na sa tuwing nangungumusta ka, tanging kumikirot ang mga katagang "Ok lang ako, eto nami-miss na kita" Pero ang lumalabas sa bibig, "Uy! Ok lang ako. Masaya."


Hirap pala lumimot nuh, hirap kalimutan ang ngiting humuli sa ating mailap na pagmamahalan Sana kapag nakita kita ulit, hanggang ikaw nalang yan at ako nalang din Sana kapag nakita kita ulit, di na kita maalala, sana nga lang. Hanggang sana nalang ba talaga?

 
 
 

Comments


Subscribe Form

Thanks for submitting!

  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn

©2019 by Maoy Dialogues. Proudly created with Wix.com

bottom of page