Salamat Sa Karanasan, Salamat
- maoydialogues
- Nov 20, 2019
- 1 min read

Nung nakita kita, natanong ko'ng "Siya na kaya?" Nung nakilala na kita, naisip ko "Ano kaya meron kami pagtanda?" Nung naging tayo na, inakala ko ako'y nasa ulap na. Nasa ulap nga ako, yun nga lang - ulan ang iyong dala.
Binaha ang bundok, binagyo ang tuktok Wala pa lang ligaya, wala palang pag-asa
Isang pag-amin lang ang katapat sa pagsuyong kulang Kulang sa tatag pagkat takot maging tigang Takot sa pusong naging bato na sa mga sakit na naranasan Isang kislap lang, isang pag-amin na tapat lang ang kailangan
Kanya-kanyang panahon, iba't ibang pagkakataon Kung di man noon, malamang ngayon Kung di man mapansin ngayon, malay mo bukas makalawa na ang tamang panahon
Kapag may hininga, may pag-asa, yan ang sabi nila Di ko namalayan isinabuhay ko na pala Sa bawat hininga ko napaisip nalang ako Wala pala sa tamang panahon ang pag-asa, kasi araw-araw, sa bawat gising ko, isang pag-asa na pala.
Minsan di nakakatulong ang baha para mapawi ang nagdaan at ayusin ang nasira Sa akala mo'y nawala at iresolba ay lalo pang nakalala Kaya minsan may mga bagay na nawawala nalang bigla Para ipaalala na kahit maliit o minsan lang nakapa, lahat ng bagay ay mahalaga Pero kahit na natapos lahat ng biglaan, kailangan ipagpatuloy ang nasimulan Nabuhay tayo mag-isa, sana kaya natin sa susunod na kabanata Bawal lumingon kumbaga, pero sa paglingon matutunan mo'ng "Salamat sa karanasan, ngayon panahon ko naman."
Comments